hayy.. hirap .. ang hirap makipg break sa girlfriend mo lalo na pag mahal n mahal mo pero minsan kasi may mga bagay na indi sinasadyang mangyari kaya k nakakapag desisyon ng mga bagay bagay na wala sa lugar.. minsan nagagawa mo to dahil may nangyaring masama o may nangyaring bagay na naka sakit sayo.. eh wala e! baliw ka ng mga oras na yun pero minsan kasi nagagawa mo lang makipg break dun s tao kapag paulit ulit ka nang nasasaktan at ayaw mo nang maulit kasi manhid kana ska sawa kana din masaktan..
bd3p tlga tong araw na to..feeling ko napariwara ako nawalan ko ng dereksyon s buhai.. wala na kasi yung gf ko eh n lagi ngsasabi sakin ng ” STRIVE HARDER! AIM HIGH! wag mo hayaang maliitin ka nila!! hindi pwede ung laging tama na yan saka ok na yan…” feeling ko nawalan ako ng secretary hehe saka ng pension plan pati kasi future ko inaalala nya saka inaayos nya grabe ultimo sira ng uniform ko tinatahi nya ganyan kalupit ung gf ko.. este ex pala..
una ang tapang ko nung nakikipag break ako kasi alam ko hindi naman ako ganun ka panget eh may mga magkakagusto pa sakin pero hindi pala nawala ung tapang ko nung simulang marinig ko ung mga salitang ito galing sa bibig nya ” iingatan mo sarili mo ha maging hapi ka sana sa bago mong lovelyfe tandaan mo mahal n mhal kita” grabe gusto ko sabihing ”wait!!! joke lang po” pero hindi eh .. hindi kasi biro yung pinasok ko hindi ito katulad ng plants vs. zombies na pwede mo i pause kung kelan mo gusto.. ang sakit sa ulo ng ginawa ko pero mas masakit sa puso prang bumababa nga sya sa puson ko eh papunta s pantog ko kulang nlang maihi ako
ang hirap kapag yung 4 years ng buhay mo o ng daily routine mo nawala.. 3 year lang naging kami pero kung kwe2ntahin 5 years na kaming mgkasama ultimo utot nya kabisado ko na nka2mis sobra yung tipong gigising ka ng umaga mgtetxt ka ng good morning pagkatapos sasabihin mo kumain na sya ng breakfast nya tapos magbihis na sya kasi malalate na sya sa klase nya… pag dating naman ng school katxt mo padin.. yung tipong pinipindot mo na yung cp mo sa loob ng brief mo na kapag ngvibrate eh mapapangiti ka nalang kasi hindi ka pwede tumawa kasi ung prof mo nasa harapan mo.. tapos pag uwi mo naman kelangan mo mgtira ng kahit 2 bars para pag uwi nya makatxt mo sya at alam mo kung san kayo magkikita yung tipong magmumurahan na kayo ng “put*ng in* asan kana ba?!” eh nanjan naman na pala sa harap tatanga tanga ka din kasi naka tingin ka lang sa cp mo..hehe.. lage ganun takot ka kasi makonyatan pag nalate ka sa pag sundo sakanya.. saka pag uwi naman minsan pag wala kang ulam senyo walang problema hindi ka mauubusan ng lifeline lageng may call a friend tararan!..haha instant ulam na agad at saka ang sarap ng feeling kaya yung tipong pag kasama mo sya para kang may dalang sariling bangko mo..
bd3p ang dami ko mami2s feeling ko naging amnisya boy ako eh yung tipong routine ko s loob ng 5 years nawala ng ganun ganun lang..
to be continue….



